Deskripsiyon ng Kurso:

Pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsulat sa piniling larangan.

Pamantayang Pangnilalaman:

  • Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral ng iba't ibang larangan.
  • Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.
  • Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.

Pamantayang Pagganap:

  • Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba't ibang anyo ng sulatin.
  • Nakasusulat ng 3-5 na sulatin sa nakalistang anyo na nakabatay sa pananaliksik.
  • Nakagagawa ng palitang pagkikritik (dalawahan o pangkatan) ng mga sulatin.