Deskripsiyon ng Kurso:

Pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit, at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino.

Sa katapusan ng semestre/asignatura, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

  1. Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
  2. Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.
  3. Nakagagawa ng mga pag-aaral ukol sa iba’t ibang sitwasyon ng paggamit ng wikang Filipino sa loob ng kultura at lipunang Pilipino.
  4. Nakapagdidisenyo ng mga pasulat at pasalitang presentasyon sa iba’t ibang sitwasyon at disiplina.
  5. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa.